Thursday, February 7, 2013

YAMAN

Daig ang perlas, ginto at pilak
Walang katulad taglay na kislap
Pagmasdan, tunay na malalantad
Aking naiibang kayamanan

Alis ang pagod makita lamang
Tanggal sakit ng aking kalamnan
Ngiti'y bituin sa kalangitan
Kislap na patuloy ang pagkinang

Hindi ipagpapalit
Kahit na isang saglit
Di ito mawawaglit
Kahit na kuning pilit

Subukan mong salingin
Makikita ang bagsik
Lalabas ang galit
Di papiiit

PAG-IBIG

Wednesday, February 6, 2013

February 7, 2013

Pag-ibig...Masama o Mabuti?
Masarap magmahal...masakit masaktan

               Ang pagmamahal hatid ay ligaya sa pusong puno ng dusa. Taglay nitong gamot ay mabisa sa taong nalulumbay. Masarap mabuhay at mangarap kasama ang taong minamahal. Walang silbing mabuhay kapag walang pag-ibig.
                Madalas pagkasawi naman ang dulot nito sa iba. Lungkot ang hatid kapag mali ang taong pinag-ukulan nito. Para bang gumuho ang buong daigdig kapag nasawi sa pag-ibig.
                 Maging matalino sa pagpili ng taong mamahalin upang maging maganda ang pagtingin nating lahat sa pag-ibig.
                  Masama man o mabuti ang dulot...huwag matakot umibig.