Thursday, February 7, 2013

YAMAN

Daig ang perlas, ginto at pilak
Walang katulad taglay na kislap
Pagmasdan, tunay na malalantad
Aking naiibang kayamanan

Alis ang pagod makita lamang
Tanggal sakit ng aking kalamnan
Ngiti'y bituin sa kalangitan
Kislap na patuloy ang pagkinang

Hindi ipagpapalit
Kahit na isang saglit
Di ito mawawaglit
Kahit na kuning pilit

Subukan mong salingin
Makikita ang bagsik
Lalabas ang galit
Di papiiit

1 comment:

  1. Siguro nung Elem. ka panlaban ka sa Lingo ng wika. Ang lalim ng mga winiwika mo nahawa me sayo. he he he...

    Ang galing galing naman, talent yan. so dis is your chance na makapag sulat ka ng maraming ganyan, i will follow ur blog...
    Happy blogging!!!!!!

    ReplyDelete